Gumawa ng 2 sanaysay. Isulat sa isang formal theme notebook. Cursive ang pagsulat.
(Ang isinulat na sanaysay ay isa-submit po sa Marso 2015.)
Ang (mga)
Gusto kong Gawin sa Buhay
Magpakasaya! Iyan ang gusto kong gawin sa buhay sa
aking kabataan.
Ang ibig kong sabihin sa magpakasaya ay gawin ang
mga bagay na gusto kong gawin. Syempre, mas maganda kung kasama ko rin ang mga
kaibigan ko.
Sabi ng isang psychiatrist,
ang mga magulang daw na may anak na teen-ager
ay mas overprotective kaysa sa noong baby pa ang kanilang anak. Totoo iyan sa
nanay ko. Maiintindihan ito kasi naman naglipana ang mga masasamang loob. Alam
naman natin ang mga mapagmahal na mga magulang pagdating sa kaligtasan ng
kanilang mga anak nila. Laging sinasabi ng mama ko na maraming mga posibilidad
na maaaring mangyari kung hindi mag-iingat ang isa at magiging alerto.
Isa pang gustung-gusto kong gawin
sa buhay ay mag-paint. Mas nailalabas
ko ang aking mga nararamdaman sa aking pagpipi- paint. Gusto ko ring kumanta at tumugtog ng iba’t ibang mga musical instruments. Nag-aral akong mag-piano, mag-lyre, mag-flute, at
ngayon ay nag-aaral akong mag-violin.
Nag-aral din akong kumanta ng mga classical
pieces sa UP.
Gusto ko ring matutong mag-dive. Nagsimula itong pagnanais kong ito
nang nasubukan kong mag-snorkel sa
mga isla ng El Nido, Palawan. Ang sarap makita ang mga isda nang malapitan, na
nasa wild. Hindi sila mahiyain, di
tulad ng mga captured na mga isda sa
mga tangke sa isang oceanarium (tulad ng sa Ocean Park sa Manila Bay) o
aquarium (tulad ng sa Ocean Adventure sa Subic Bay). Dampiin mo lang ang mga salamin
ay lalayo na ang mga isda na para bang natatakot na hulihin sila. Sa aktuwal na
dagat o sa wild, ang mga isda ang
lumalapit sa akin na para bang nakikipagkaibigan.
Kaya nga isa rin sa mga pangarap ko ang maging marine biologist / teacher ako. Mahal ko ang mga nilikhang dagat ng Diyos na Jehova. Partikular na rito ang mga dolphins. Ang mga ito ang paborito kong mga nilalang-pandagat. Gusto ko silang pag-aralan. Ituturo ko rin sa mga bata kung gaano sila katalino.
Mag-around the world! Ito ang gusto ko pang gawin habang ako ay may lakas bilang kabataan. Gusto kong makarating sa Europe – France, Italy, Belgium, Austria, Denmark, Holland, Finland, Germany, Ukraine, United Kingdom, at marami pang mga bansa. Gusto ko ring pumunta sa United States at Canada, Mexico, Cuba, Costa Rica, at iba pa.
May kaugnayan sa lahat ng gusto kong gawin ay tunguhin ko ring maging mahusay na photographer. Mahilig akong kumuha ng mga larawan saan man ako pumunta. May mga bagay kasi akong nakikita na maaaring hindi nakikita ng iba.
Sa ibabaw ng lahat ng ito na mga gusto kong gawin sa buhay ay ang aking matinding pagnanais na mapaluguran si at maglingkod kay Jehova nang higit pa. Kahit simple lamang ang buhay naming mag-ina, halos lahat ng mga pangangailangan at mga gusto namin ay nasasapatan. Minsan, lampas pa sa hiniling namin.
Maligaya talaga ang taong naglilingkod sa Diyos:

(Lucas 10:25-28) 25 At,
narito! isang lalaki na bihasa sa Kautusan ang tumindig, upang subukin siya, at
nagsabi: “Guro, ano ang gagawin ko upang ako ay magmana ng buhay na walang
hanggan?” 26 Sinabi niya sa kaniya: “Ano ang nakasulat
sa Kautusan? Paano mo binabasa?” 27 Bilang sagot ay
sinabi niya: “ ‘Iibigin mo si
Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at
nang iyong buong lakas at nang iyong buong pag-iisip,’ at, ‘ang iyong kapuwa
gaya ng iyong sarili.’ ” 28 Sinabi niya sa
kaniya: “Wasto ang isinagot mo; ‘patuloy
mong gawin ito at magkakamit ka ng buhay.’ ”
No comments:
Post a Comment