Gumawa ng 2 sanaysay. Isulat sa isang formal theme notebook. Cursive ang
pagsulat.
(Ang isinulat na sanaysay ay isa-submit po sa Marso 2015.)
Ang Pangarap kong Pamilya
Gusto ko sana na
may mga kapatid ako. Kahit na may mga itinuturing akong mga kapatid, mas
masarap pa rin na kasama, kapiling mo sila.
Sabi ng mga
kaibigan ko na may mga kapatid, mahirap din daw ang may kapatid. Mas masaya daw
kapag ikaw ang panganay.
Maraming nangyayari
kapag may kapatid ka. Nagkakahiraman kayo ng mga bagay na mayroon kayo. Nagkakabiruan
kayo. Nagkakausap kayo ng kung anu-ano. Nagsasalu-salo kayo kahit kailan at
saanman. Sa isang pamilya ay hindi maiiwasan ang tampuhan o di kaya ay mga
di-pagkakaintindihan. Pero kung may pag-ibig naman sa isa’t isa ang pamilya, di
dapat patagalin ang mga tampuhang ito. Dapat na humingi agad ng kapatawaran at
magpatawad.
Ang isa ko pang
pangarap na pamilya sa buhay ay ang makasama ko lahat ng taong mahal ko o gusto
kong makasama. Ang mga taong ito ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang
malagpasan ko ang mga hamon ko sa buhay at tumayo nang maayos upang hindi ako madalas
madapa.
Ang aking
pangarap na ito ay maaaring hindi mabuo agad-agad dahil sa mga limitasyon na
mayroon sa mundo.
Ang isa ko pang
pangarap ay isang pamilya na kung saan laging magulo – sa mabuting paraan.
Isang pamilyang maingay at mahilig sa musika – dahil mahal ko ang musika.
Ang aking nukleyar
na pamilya ay hindi “normal”. Binubuo ito ng dalawang miyembro lamang – ang
aking ina at ako. Ang benepisyo ng pagkakaroon ng isang pamilya na ganito ay
ang kalayaan namin bilang mga babae. Natututo akong gumawa ng mga simpleng
gawain sa bahay. Masayang matuto. Ganito ang buhay ko bilang nag-iisang anak na
walang kapatid o mga kahati sa buhay.
Kaya nga
pangarap ko ang magkaroon sana ng mga kapatid …
No comments:
Post a Comment